MAHABA ang monologue ni Willie Revillame nu’ng Biyernes nang gabi, nu’ng i-announce niya sa show niyang Willing Willie na magpapahinga muna ang kanyang programa nang dalawang linggo, matapos maging malaking isyu ‘yung macho dancing moment ng isang 6-anyos na bata sa nasabing variety game show ng TV5.
Bukod sa napakahabang litanya niya patungkol sa dati niyang istasyon na ABS-CBN (na muling naungkat lahat ng kontrobersyang kinasangkutan niya nu’ng naroon pa siya sa Wowowee), matapang ding pinatutsadahan ni Willie ang iba’t ibang grupo at sangay ng gobyerno na ayon sa kanya ay hinusgahan agad siya at patuloy siyang dinidikdik kaugnay ng ‘child abuse’ issue.

Ang umani ng maraming reaksyon ay ang pagpapasaring ng kontrobersyal na TV host sa ilang celebrities na ayon sa kanya ay tinitira siya sa Twitter.
“Maraming artista ang nakisawsaw. Mag-isip muna kayo bago kayo makisawsaw. Ang sakit no’n!” bulalas ni Willie.
“‘Yan, si Jim Paredes ng APO (Hiking Society), tinira ako sa Twitter. Si Aiza Seguerra, tinira ako sa Twitter. Si Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon... sasabihin ko na lahat.
“Sino pa? Bianca Gonzalez ng SNN. Susuportahan n’yo ba ang mga taong ‘yan?
“Ano ang nagawa n’yo? Ano ang nagawa n’yo sa sambayanang Pilipino?
“Si Tuesday (Vargas) na kasama ko rito (sa TV5). Hindi ko maintindihan na kasama kita rito, tinira mo ako. K Brosas, Leah Navarro... sino pa? Kapuwa tayo artista.
“Nakagawa ba kayo ng tulong? Nagbigay ba kayo sa Bantay Bata ng P1M?
“Huwag kayong manghusga ng kapwa n’yo artista. Dapat magkakasama tayo. Tulungan n’yo kami kung nagkakamali kami, huwag kayong manghuhusga. Tandaan n’yo, ‘yung masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo.
“‘Yan pong mga pangalan na ‘yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter. Jim Paredes ng APO, Lea Salonga...
“Aiza Seguerra, magpakalalaki ka! Bata ka pa, hindi ba, nagtatrabaho ka na? Hindi ba exploitation ‘yon? Mag-isip ka! Tingnan n’yo muna ang sarili n’yo bago kayo...
“Agot Isidro, wala ka namang anak, eh! Bakit mo ako gaganyanin? Alamin mo muna.
“Sino pa? Bianca Gonzalez... akala mo kung mga sino kayo. May natulungan ba kayong mahihirap?
“Kaya ko lang ho sinasabi ito, nagtitimpi lang ho ako, ayaw ko sanang sabihin. Pero sa Twitter ho, ‘yan ang ginagawa nila, wasakin ako,” galit na sambit ni Willie.
Sa bandang huli ay nagbanta pa si Willie sa ‘detractors’ niya sa Twitter.
Aniya, “Kung idedemanda ka ng TV5, idedemanda rin kita. Magdedemandahan tayo. Idedemanda ko ang lahat ng tumira sa akin sa Twitter. Lahat ng personal. Tandaan mo ‘yan!”
AGOT BAOG
Nabulabog ang Twitter world sa maiinit na pahayag na ‘yon ni Willie.

Sandamakmak ang nabasa naming reaksyon hinggil sa pagtuligsa ng TV host sa management ng ABS-CBN at sa mga dati niyang kasamahan sa naturang istasyon.
Karamihan ay bayolente ang mga komento patungkol kay Willie.
Samu’t sari ang reaksyon ng mga Kapamilya na halos lahat ay nagngingitngit at nagbubusa sa galit lalo na sa mga lumang isyu na hinalungkat muli ng TV host.
Inabangan siyempre ng fans kung anong sasabihin ng mga personalidad na hayagang pinangalanan ni Willie sa kanyang programa.
Kaswal ang reaksyon ni Agot Isidro, na sinimulan ang kanyang tweet sa isang linya mula sa kantang Beautiful ni Christina Aguilera.
“Coz I am beautiful in every single way, words can’t bring me down...” ang simpleng tweet ng singer-actress.
Sunod niyang tweet, “Thank you for the outpouring of support. I am A-Ok! Don’t worry about me. Du’n lang tayo sa tama.”
Maraming nagtanggol kay Agot, lalo na ang kanyang female fans na nagkakaisa sa pagsasabing FOUL ang hirit ni Willie na kesyo ‘walang anak’ ang singer-actress.
Tila hindi gaanong apektado du’n si Agot at mukhang sanay na siya sa gano’n dahil sa kanyang Twitter account ay ni-retweet niya pa ang tweet ng kanyang insensitive follower na tinatawag siyang BAOG.
Malamang ang ikina-react ni Willie ay ‘yung tweet ni Agot na, “Wow, Willie! Hats off to you! You did it again!” nu’ng mapabalitang sinulatan ng opisina ng DSWD si Willie at ang TV5 matapos ang macho dancing scene ng batang si Jan-Jan Suan sa WW.
Kasunod nito ay nag-tweet din si Agot ng, “Just saw the video of Jan-Jan. Exploiting kids to cover up for your lack of talent. Willie, ‘pag nagkaanak ka, pagawa mo sa kanya ‘yan, ha?
“Bad part is, I’m sure he won’t mind, in exchange for more moolah to buy his fancy cars.”
Isa pang tweet ni Agot, “I’m sure naabutan din ang parents ni Jan-Jan for showing up. I agree, they are to be blamed too.
“But Willie is the ringleader. It wouldn’t have come this far and this bad if he exercised a little decency.”

No comments:
Post a Comment