Nanguna ang GMA Network, Inc. (GMA) sa lahat ng free-to-air television
channels, hindi lang sa balwarte nitong Mega Manila, kundi pati na sa
National Urban Philippines, ayon sa datos ng Nielsen TV Audience
Measurement.
Ayon sa household data sa National Urban Philippines mula Enero 1 hanggang Pebrero 13, 2011 (Pebrero 6-13 ay base sa overnight data), naka-33.2 share points ang GMA kumpara sa 31.8 share points ng ABS-CBN at 14.9 share points ng TV5.
Sa Total Urban Luzon na bumubuo ng 77% ng total television households
nationwide, GMA pa rin ang #1. Naka-36.5 points ang Kapuso Network
kumpara sa 26.7 ng Kapamilya Network at 16.9 ng Kapatid Network.
Sa viewer-rich Mega Manila, na bumubuo ng 58% ng total television
households nationwide, naka-37.7 share points ang GMA kumpara sa 25.2
share points ng ABS-CBN at 17.7 share points ng TV5.
Dahil sa paglulunsad ng mga bagong programa nitong Enero, higit pang
tumaas ang national ratings ng GMA. Kabilang sa mga 2011 program launch
na umani ng matataas na ratings sa kani-kanyang timeslot sa National
Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ang Machete ni Aljur
Abrenica na may 25.1 points, I ♥ You Pare nina Regine Velasquez at
Dingdong Dantes na naka-29.7 points, Dwarfina ni Heart Evangelista na
nagkamit ng 27.3 points, at Alakdana ni Louise delos Reyes na naka-40.3
points.
Inaasahang magpapatibay pa sa national ratings ng Kapuso Network ang mga
bagong programa na Magic Palayok nina Carla Abellana at Geoff
Eigenmann, at Moral ni Nadine Samonte.
No comments:
Post a Comment