My Blog List
Thursday, February 17, 2011
"OGIE AT MO TWISTER NAGBANGAYAN SA TWITTER"
Ito ang twits ni Ogie:
..."Sino ang nagsabi nito: "Masarap kaibigan si ...(TV host), pero ang hirap niyang katrabaho!"
"Nakarating ito sa kontrobersyal na tv host, kaya ang naging desisyon nito: pagpahingahin ang segment host.
"Kaya ang alibi nito ngayon eh nagiging masasakitin siya lately, kaya magpapahinga muna siya sa show.
"Pero ang totoo, according to my source, na-offend at naasar sa segment host ang main tv host, kaya tsugi siya sa show nito.
"Kung mapapansin n'yo, ang sabi ko, source. Hindi ko sinabing 'reliable source,' dahil malay ko naman kung hindi ganito eksakto ang kuwento, mahirap na, di ba?
"O, at least, me benefit of the doubt ako. Hindi ko agad-agad pinapaniwalaan ang nakakarating sa akin, dahil una, wala ako doon.
"Pangalawa, malay ko ba kung iba ang dahilan, hindi pala itong nakarating na kuwento sa akin, di ba? Kasi, ang alam ko talaga, nagiging sickly ang segment host sa dami ng raket.
"Pero taklesa rin kasi siya, eh. Akala niya siguro, hindi makakarating 'yon ke kuya.
"Okay. Sana naman, okay ang naging paghihiwalay nila. At kung ito man ay totoo, sana ay may natutunan si segment host kung siya man ay nakapagdayalog nito.
"Mahulaan n'yo kaya ito?
"O, KAYO NAMAN. Baka meron kayong na-encounter na artista na may masamang inugali o pangit ang naging experience n'yo sa kanya.
"'Wag madamot. Kung juicy naman 'yan, i-share mo na!"
Reply ni Mo:
"Oh! Let's play the blind item game then! Sino 'tong showbiz personality/annoying reporter na tumakbong city councilor ng isang malaking city dito sa metro manila nung nakaraang elections. at isang araw, nakita ni reporter ang isang engliserong radio/tv host sa publiko, humingi siya ng tulong kay radio/tv host na kausapin ang isang senador na kaibigan ni radio/tv host para makakuha ng pera na halagang P500k pesos! pero diumano, binulong kay radio/tv host na wala naman siyang intensyon gamitin yung pera para sa campaign o para sa district niya. sa totoo daw, kailangan yung pera para sa downpayment ng isang bagong Honda Jazz for personal use ng reporter. Na-shock si radio/tv host at siyempre hindi na niya linapitan yung senador dahil sa masamang intensyon ng showbiz parasite na 'to. OH GEE, what a revelation!"
Ang sagutan nila:
Ogie: "Sa pagba-blind item, pag di ka sure, me benefit of the doubt. Pero pag gusto mong sirain yung tao, magpaka-'scientist' ka."
Mo: "The score so far is Gumatay:1, Asshole:0" (Ang tunay na pangalan ni Mo ay Mohan Gumatay)
Ogie: "kaya ko ring mag-imbento ng blind item para sirain ang isang tao, pero hindi ko kaya ang ginagawa ng iba, kaya pasensiya na po."
Mo: "I love how certain people now give "rules" to classless things, thinking their way advances society somehow. The commandments of idiots."
Ogie: "salamat sa mga naniniwala. sa naaapektuhan naman, naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo. ang importante, alam mo ang totoo. Mowah!"
Mo: "Wow, only losers RT their own tweet."
Ogie: wag maapektuhan kung hindi totoo. harapin ang isyu kung hindi totoo. ndi kinaya, ayun, para makaganti, nag-imbento. Mowah!!"
Bangayan to the max!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment