BAYONG LIGAYA’T SAYA ang dulot ni Raffaelle Leedia sa buhay ngayon ni Wenn Deramas na nag-celebrate ng kanyang 1st birthday last May 1st. “Oo, nanganak akong muli, maliit lang ang pagbubuntis ko kaya akala ninyo busog lang,” nagbibirong sabi ng box-office director. Close friends and relatives lang ang invited sa bahay ni Direk Wenn sa Capitol Home, Commonwealth.
Kahit hindi kami nakarating sa big birthday celebration ni Raffaelle, bumawi na lang kami kay Direk Wenn. Pinasyalan na lang namin siya sa taping ng Mula Sa Puso sa Fairview. Pumanaw man ang butihing ina ni Direk, isang angel naman ang biglang dumating sa buhay niya ngayon. Mas lalong naging inspired magtrabaho si Direk para sa magandang kinabukasan ng dalawa niyang anak. Katunayan nga, may mga property nang naipundar ang magaling na director at next year magpapatayo uli siya ng bagong bahay.
Kahit puyat at pagod sa maghapong pagtatrabaho ang magaling na director. Nawawala lahat ang pagod pag-uwi ng bahay dahil alam niyang nan’dyan ang kanyang dalawang anak na pinaghuhugutan niya ng lakas. Blessing ngang masasabi ang pagdating ni Raffaelle sa buhay ni Direk Wenn, nagkasunud-sunod ang movie project plus TV assignments. May bagong teleserye sa ABS-CBN at may movie na ginagawa under Viva Films, ang Private Benjamin ni Vice Ganda.
Kahit super successful ang showbiz career ni Direk Wenn as a director, hindi maiiwasang ulanin pa rin siya ng intriga. “Hindi ako apektado kung intrigahin ako, basta sa totoo lang. Kung minsan nagre-react ako kasi nga hindi totoo kaya kailangan kong sumagot. Sabihin mo na kung ano’ng gusto mong sabihin sa akin, wala akong pakialam. Huwag mo lang sasabihing hindi kumita ang mga pelikula ko, du’n ako magagalit. At saka, hindi na yata uso ngayon ang may kaaway, ayaw ko na nang may kaaway, tahimik na lang tayo,” say niya.
After ng movie nina Direk Wenn at Vice Ganda sa Viva Films, ano’ng susunod niyang project kay Boss Vic del Rosario? “Kinausap ko si Boss Vic, sabi ko, ‘yung susunod kong project gusto ko naman drama. This time, si Claudine Barretto ang artista ko. Exciting, ‘di ba? Pumayag naman si Boss Vic, agad niyang tinawagan si Claudine at nag-set sila ng meeting. Tinawagan din niya ako. Balik-tambalan uli kami ni Claudine. Matagal na nga kaming hindi nagkikita, sa phone lang kami nagkakausap. Hindi ko alam kung pumayat na nga siyang talaga. Gusto ko, ibang Claudine Barretto ang makikita nila sa pelikula ko at ang leadingman ay si John Lloyd Cruz. Sana makuha ni Boss Vic si Lloydie, pumayag sana ang Star Magic na magtambal ang dalawa, plus isang baguhang artistang lalaki,” excited na kuwento ni Direk Wenn.
Habang nagtsi-tsikahan kami ni Direk Wenn, tuluy-tuloy pa rin siya sa pagdi-direk. Bawat anggulo ng kanyang mga artista nakikita sa monitor. Nasaksihan namin kung gaano siya ka-perfectionist sa acting ng kanyang mga artista. Ultimo blocking, reaction, palitan ng dialogue nina Eula Valdez, Ariel Rivera at Lauren Young ay binubusisi ni Direk.
Kapag hindi nagustuhan ni Direk Wenn ang posisyon, acting ng mga ito, tatayo sa kanyang director’s chair at pupuntahan ang kanyang mga artista. Ma-drama ang mga eksena ng bawat character. Na-surprise kami sa acting performance ni Ariel, matapos itong magbitiw ng dialogue sa sama ng loob sa kanyang anak na si Lauren. Unting-unti pumatak ang kanyang luha, ramdam mo ang sakit na nararamdaman ng isang ama. Take one ang eksena, palakpakan ang buong production staff sa husay at galing ni Ariel Rivera. Saludo kami, Direk!