Tuesday, May 17, 2011

Cristy Fermin Misleading ang mga Report


ermin, butata!
EWAN ko ba’t kung bakit naniwala kami sa mga boladas ni Cristy Fermin. Sabi kasi nito Sabado, Mayo 14, ang grand opening ng show ni Willie Revillame sa TV5, ‘yun pala ay Monday, May 16.
How come nagkamali siya sa kanyang impormasyon gayung taga-Singko siya at parati pang nakabuntot kay Willie? Kung minsan nga, habang nagsu-show ang maangas na host ay nakita pa namin si CSF na nakasalampak sa semento habang nakanganga at pinanonood si Revillame na animo’y nakakita ng aparisyon.
As usual, punong-puno na naman daw ng hanging habagat at amihan ang mga naging tirada ni Willie sa opening ng kanyang bagong show.
Kung anu-ano na naman ang mga pinagsasabi.
Napuno nga ng text messages ang cell phone namin sa dami ng mga nag-react. And’yan na naman daw si Willie Yabang at nilalamon na naman ang oras ng mga kasunod nitong programa, katulad ng “Mga Nagbabagang Bulaklak” at iba pa.
Masyado na raw gabi ang Bulaklak…tuloy nalanta ang mga nanonood nito at minabuti na lamang nilang matulog.
Willie Boy, rumespeto ka naman sa ibang kasamahan mo, hindi lang ikaw ang naghahanap-buhay. Hindi lang ikaw ang pinanonood ng tao. At hindi lang ikaw ang anak ng Dios.
Naintindihan mo ba, tol?

No comments:

Post a Comment