HINDI APEKTADO PERO kahit paano ay masama ang loob ni Derek Ramsay sa mga nagkakalat ng balitang may cancer siya. Feeling kasi ng binata ay apektado ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
“Hindi kasi maiwasang mag-alala sila sa akin, na hindi naman dapat,” pahayag ni Derek matapos na lu-mabas ang isyung may sakit itong cancer.
Ayon kay Derek, hindi totoong may cancer siya. May problema siya sa tuhod pero hindi raw iyon cancerous at lalong walang kinalaman naman ang pagkagat sa kanya ng jellyfish.
“Nalulungkot lang ako, kasi may mga ganitong balitang naglalabasan na hindi naman talaga totoo.”
Ilang araw rin si Derek sa Europe, at ayon sa aktor, kinailangan niyang magpunta sa Europe dahil sa ilang personal na bagay na dapat gawin at hindi dahil sa isyung du’n siya magpapagamot.
“Walang ganu’n, hindi totoo ‘yan,” Hay naku hah sa mga nagkakalat ng mga Ganyang balita..baka bumalik sa inyo yan
Maging responsable kayo sa sasabihin nyo huh!

No comments:
Post a Comment